Advertisement

Responsive Advertisement

"SIMULA PALANG ITO, BABANTAYAN NAMIN ANG BAWAT PISO" SPEAKER BOJIE DY TINIYAK NA BANTAY-SARADO ANG 2026 NATIONAL BUDGET

Lunes, Enero 5, 2026

 



Tiniyak ni House Speaker Bojie Dy na hindi magtatapos sa paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang trabaho ng Kongreso kaugnay ng ₱6.793 trilyong 2026 National Budget. Sa halip, ito raw ang simula ng mas mahigpit na oversight function ng Kamara upang masiguro na bawat pisong inilaan sa budget ay mapupunta sa tunay na pangangailangan ng taumbayan.


“Ang pagpirma sa budget ay hindi pagtatapos ng aming trabaho. Simula pa lang ito. Babantayan ng Kongreso ang bawat piso upang siguraduhing ginagastos nang ayon sa batas at para sa kapakanan ng taumbayan.” -House Speaker Bojie Dy 


Ayon kay Dy, hindi sapat na may budget kailangang transparent, accountable, at tapat ang implementasyon nito, lalo na't isa ito sa pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa.


Ipinaliwanag ni Dy na ang Kamara ay nakahanda at committed na makipagtulungan sa MalacaƱang at sa mga ahensiya ng gobyerno upang matiyak na ang 2026 budget. Dagdag pa niya, anumang indikasyon ng katiwalian o maling paggamit ng pondo ay hindi palalampasin.


Inilahad din ng Speaker na magpapatupad ang Kamara ng serye ng mga hearing, audit reports, at pagdinig kung kinakailangan upang masigurong sumusunod ang mga ahensiya sa batas.


Hindi raw pahihintulutang maulit ang mga alegasyon ng anomalya na tulad ng nakaraang mga taon. Aniya, pananagutin ang sinumang mapatunayang lumalabag, kahit sino pa ang posisyon.



Sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng bansa at ng lumalaking pangangailangan sa tapat na paggastos ng pondo, mahalagang marinig ang matatag na paninindigan ni Speaker Bojie Dy. Ang kanyang pahayag ay malinaw na ang Kongreso ay hindi magiging tagapasa lang ng budget kundi tagapagbantay ng bawat sentimo ng kaban ng bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento