Matapos ang kontrobersyal na biro ni Vice Ganda tungkol sa dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang concert, umani ito ng matinding reaksyon mula sa mga tagasuporta ng Duterte family. Marami ang nanawagan na ideklara siyang persona non grata sa Davao City.
“Kung ano man ang desisyon ng Davao City Council ay dapat respetuhin dahil sila ang tunay na boses ng mga taga-lungsod. Ako ay nandito para suportahan ang proseso at hindi pangunahan ito.” -Vice President Sara Duterte
Sa isang panayam, sinabi ni Vice President Sara Duterte na nasa kapangyarihan ng Davao City Council ang pinal na desisyon sa isyung ito.
“Kung ano man ang desisyon ng city council of Davao, it has to be a majority decision. Sila ang tamang katawan para magdeklara dahil sila ang kinatawan ng tatlong distrito ng Davao City,” ani VP Sara.
Inamin ni VP Sara na hindi pa niya napapanood ang mismong clip ng joke ni Vice Ganda. Ngunit binigyang-diin niyang ang konseho ng lungsod ang may kapangyarihan na magpataw ng ganitong deklarasyon, at hindi siya direktang makikialam sa kanilang proseso.
Nag-ugat ang panawagan matapos banggitin ni Vice Ganda ang “jet ski” remark ni dating Pangulong Duterte noong 2016 hinggil sa West Philippine Sea, at idagdag ang isyu ng umano’y pagkakakulong nito sa The Hague.
Samantala, nagpahayag din si Davao City Acting Vice Mayor Rodrigo Duterte II na hindi magpapadala ang lungsod sa ganitong klaseng biro.
“Davao City will not be distracted by cheap insults and distasteful jokes made for clout,” aniya.
Malinaw mula sa pahayag ni VP Sara Duterte na siya ay iginagalang ang proseso at kapangyarihan ng Davao City Council sa pagdedesisyon kung ideklara man o hindi si Vice Ganda bilang persona non grata. Sa halip na maglabas ng direktang posisyon, ipinaubaya niya ang isyu sa mga halal na kinatawan ng lungsod.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento