Advertisement

Responsive Advertisement

MARCOS ADMINISTRATION, DINEPENSAHAN SI VICE GANDA LABAN SA MGA DUTERTE SUPPORTERS: "BAKIT NAPIPIKON ‘YUNG DDS"

Martes, Agosto 12, 2025

 



Sa gitna ng kontrobersiya na bumalot sa “jet ski holiday” joke ni Vice Ganda, tumindig ang Marcos Administration sa pamamagitan ni Press Officer Claire Castro upang ipagtanggol ang komedyante laban sa mga batikos ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


“Ang biro ni Vice Ganda ay hindi imbento. Totoo ang pinagmulan nito at dapat ay mas maging bukas tayo sa katotohanan kaysa sa pag-pick on ng isang artista na nagpapatawa lamang.” -Claire Castro


Ayon kay Castro, walang mali sa spoof na ginawa ni Vice Ganda dahil ang mga pahayag na ginamit nito ay mismong nagmula sa dating pangulo. Binanggit niya na si Duterte mismo ang nagbiro noon tungkol sa isyu, kaya’t hindi dapat masyadong magalit ang kanyang mga tagasuporta.


Sa isang video na ipinost sa kanyang personal na video, diretsahang sinabi ni Castro:


“Bakit napipikon ‘yung DDS na jinoke si ex-president Duterte? Joke naman laging sinasabi ni Duterte e. Hindi ito imbento, mismong siya ang nagsabi noon.”


Dagdag pa niya, dapat mas pagtuunan ng pansin ang totoong isyu—tulad ng paggamit ng water cannons ng China laban sa Philippine Coast Guard—at hindi ang pagtatawanan ng mga salitang mismong nagmula sa dating pangulo.


Bilang patunay sa kanyang punto, ipinakita ni Castro ang isang video ni Vice President Sara Duterte mula sa “Free Duterte Rally” sa The Hague, Netherlands, kung saan umano’y sinabi nito na bigong ipagpatuloy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nagawa ng kanyang ama.


Matapang na hamon ni Castro sa mga kritiko:


“Binabastos n’yo ang Pangulo, disente kayo? Tapos si Vice Ganda, na galing sa dating pangulo ang mga sinabi na ‘yon, napipikon kayo?”


Ipinakita ng pahayag ni Claire Castro na para sa Marcos Administration, hindi dapat gawing isyu ang biro ni Vice Ganda dahil ito ay hango mismo sa dating pangulo. Mas mahalaga raw na pagtuunan ng pansin ang mga totoong problema ng bansa kaysa sa pagpapalaki ng isang comedy skit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento