Dating aktres na si Iwa Moto ay hindi napigilang maglabas ng saloobin matapos insultuhin ng isang netizen ang kanyang trabaho bilang online live seller. Noong Lunes ng gabi, Agosto 11, 2025, nagla-live si Iwa sa TikTok upang magbenta ng skincare products nang may isang komento na agad nakaagaw ng kanyang atensyon:
"Hindi ba nabubully mga kids sa school na nagtitinda kayo sa tiktok?"
“Lahat ng trabaho na marangal, dapat igalang. Hindi mo alam kung gaano kahirap magsumikap araw-araw para sa pamilya. Kaya huwag basta manghusga kung hindi mo naiintindihan.” -Iwa Moto
Para kay Iwa, mali at nakakasakit ang ganitong pananaw. Agad niyang binuweltahan ang basher at ipinaliwanag na disenteng trabaho ang live selling. Aniya, ito ay paraan para kumita habang nananatili sa bahay at nakakapiling ang pamilya.
Dagdag pa ni Iwa, ang mga online sellers ay nagtatrabaho nang maayos, nagsusumikap, at hindi nananakit ng kahit sino. Hindi rin ito dapat ikumpara sa mga ilegal o panlolokong gawain. Buo ang kanyang paninindigan na hindi dapat maliitin ang hanapbuhay ng iba.
Sa huli, mariin niyang sinabi:
"Huwag na huwag na huwag niyong mamaliitin ang mga online sellers… This is a decent job. Hindi katulad ng mga scam. Not here, not in my platform. Okay? So go to Pluto."
Ipinakita ni Iwa Moto na walang masama sa pagiging online seller at hindi ito dapat ikahiya. Sa panahon ngayon, mahalaga ang kahit anong legal na paraan para kumita, at ang respeto sa trabaho ng iba ay isang simpleng bagay na dapat nating isabuhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento