Emosyonal na humarap sa korte si Vic Sotto ngayong Martes habang nagbibigay ng kanyang testimonya sa Muntinlupa Regional Trial Court kaugnay ng isinampa niyang cyberlibel complaint laban sa kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.
“Pinaghirapan ko ang pangalan at respeto ko sa industriya sa loob ng maraming dekada. Hindi ito basta-basta pwedeng sirain ng isang maling palabas. Hindi ako titigil hanggang makamit ang hustisya para sa sarili ko at sa pamilya ko.” -Vic Sotto
Ang kaso ay nag-ugat mula sa teaser ng pelikula ni Yap na “The Rapists of Pepsi Paloma” (TROPP) na, ayon kay Vic, ay nagpakita sa kanya bilang isa umano sa mga sangkot sa kontrobersyal na kaso ni Pepsi Paloma noong 1980s. Giit ni Vic, wala itong batayan at labis na nakasira sa kanyang pangalan at reputasyon.
Sa kanyang sinumpaang salaysay, sinabi ni Vic na ang naturang teaser ay nagdulot ng matinding pangungutya laban sa kanya at sa kanyang pamilya.
“The comments and private messages from netizens consisted of personal attacks and threats of harm against me and my family. They disparaged my name, eroded my reputation, and diminished the esteem and goodwill I built for a lifetime. Ako’y unfairly branded as a rapist without any factual basis,” ani ni Vic.
Tinukoy din ng komedyante na ang eksenang ipinakita sa teaser kung saan sumagot ng “Oo” si Rhed Bustamante bilang Pepsi sa tanong ni Gina Alajar ay tinanggalan ng buong konteksto. Ang aktwal na linya raw ay: “Oo, alam ko ang ginagawa ko.”
Dagdag pa ni Vic, noong nakaraang Enero ay umamin mismo si Yap sa korte na hindi siya kasama sa listahan ng rapists sa buong script ng pelikula.
Dumating sa korte si Vic kasama ang kanyang abogado na si Atty. Enrique Dela Cruz Jr. at ang kanyang asawa na si Pauleen Luna upang magbigay suporta. Aniya, masakit na matapos halos apat na dekada mula nang ibasura ang kaso ni Pepsi Paloma, ay muli itong ibinabalik sa publiko sa maling paraan.
“As it turns out, Yap was aware that the case filed by Pepsi was dismissed. He could have avoided branding me as a rapist, pero ginawa pa rin niya para lang gumawa ng ingay,” dagdag pa ni Vic.
Ang cyberlibel case ni Vic Sotto laban kay Darryl Yap ay hindi lamang usapin ng pelikula kundi isang laban para sa kanyang pangalan at reputasyon. Ipinakita ni Vic na handa siyang ipaglaban ang kanyang karangalan laban sa maling representasyon na, ayon sa kanya, ay ginawa lamang para lumikha ng kontrobersya.
Yan din ang sigaw ni Pepsi Paloma.. HUSTISYA!!!
TumugonBurahin