Sa Ibajay, Aklan matapos ang trahedyang naganap noong Biyernes ng umaga, kung saan nasawi si Vice Mayor Julio Estolloso matapos siyang pagbabarilin ng isang konsehal sa loob mismo ng kanyang opisina.
Ayon sa ulat ng Ibajay Municipal Police Station, nangyari ang insidente bandang 9:15 a.m. sa opisina ng bise alkalde sa Brgy. Poblacion.
“Tinitiyak naming mabibigyan ng hustisya si Vice Mayor Estolloso. Kasalukuyan naming iniimbestigahan ang motibo sa likod ng pamamaril at sisiguraduhin naming haharap sa batas ang may sala." -Pulisya
Base sa imbestigasyon, pumasok si Councilor Mihrel Senatin sa opisina ni Estolloso upang humingi ng kopya ng mga lokal na ordinansa na naipasa sa panahon ng kanyang termino.
Ngunit imbes na karaniwang pag-uusap, lumapit umano si Senatin kay Estolloso at tinanong:
“Vice, anu ang sala kimo?” (Vice, ano bang nagawa kong mali sa ’yo?)
Matapos nito, bigla raw nitong binunot ang baril at pinaputukan ng ilang beses sa dibdib ang bise alkalde.
Agad dinala si Estolloso sa ospital ngunit idinineklarang patay bandang 10:23 a.m. dahil sa tinamong mga tama ng bala.
Samantala, agad namang inaresto si Senatin ng mga rumespondeng pulis at kasalukuyang nasa kustodiya ng Ibajay Police Station habang patuloy ang imbestigasyon.
Ang karumal-dumal na insidenteng ito ay hindi lamang isang personal na alitan, kundi isang malungkot na paalala kung gaano kabilis mauwi sa karahasan ang hindi pagkakaunawaan, lalo na sa hanay ng mga opisyal ng pamahalaan. Sa ngayon, nakatutok ang publiko sa imbestigasyon upang matiyak na magkakaroon ng hustisya para sa pamilya ng biktima at para sa bayan ng Ibajay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento