Advertisement

Responsive Advertisement

HOUSE OF REPRESENTATIVES BINATIKOS ANG SENADO: “BAKIT MINADALI ANG PAGBAON SA IMPEACHMENT?

Biyernes, Agosto 8, 2025

 



Ipinahayag ng House of Representatives ang matinding pangamba sa desisyon ng Senado na agad i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, na tinawag nilang “premature” at posibleng salungat sa prinsipyo ng checks and balances sa Konstitusyon.


“Hindi ito laban para magbangayan, kundi para ipaglaban ang prinsipyo ng Konstitusyon. Ang bawat opisina ng gobyerno ay dapat sumailalim sa pananagutan walang sinuman ang dapat mailagay sa itaas ng batas.” -House of Representatives


Ayon sa pahayag ng Kamara nitong Miyerkules, ginawa ng Senado ang hakbang kahit nakabinbin pa ang kaso sa Korte Suprema, kung saan naghain ng motion for reconsideration noong Agosto 5.


Binanggit ng House na wala pang pinal na desisyon ang Korte Suprema at iniatas pa nitong magsumite ng sagot ang mga respondent, kabilang ang Pangalawang Pangulo, kaya malinaw na hindi pa tapos ang usapin.


“To archive is, in effect, to bury the Articles of Impeachment… Yet the ruling of the Supreme Court is not final. The case is active. Why the rush?” pahayag ng House.


Ipinunto ng mga mambabatas na ayon sa Konstitusyon, tanging ang House of Representatives ang may eksklusibong kapangyarihan na magpasimula ng impeachment proceedings.


Kapag isang-katlo ng mga miyembro ng Kamara ang lumagda sa verified complaint, awtomatikong naipapadala ang Articles of Impeachment sa Senado, nang hindi na kailangan ng plenary action.


“The filing of the complaint was not rushed. What was rushed—remarkably—was its burial,” dagdag pa nila.


Mariing itinanggi ng House na ito’y gawaing politikal. Anila, nakabatay ang reklamo sa verified facts at sworn documents at isinampa nang may mabuting layunin upang humingi ng kasagutan sa Pangalawang Pangulo na umano’y hindi nagbigay ng maayos na tugon.


“This was never about political maneuvering. It was about accountability pananagutan anchored on verified facts and sworn documents,” giit ng House.


Nilinaw ng House na hindi nila layuning hamunin ang Senado, kundi ipaglaban ang Konstitusyon at ang rule of law.


“We do not rise against the Senate. We rise for the Republic. Tuloy ang laban for the Constitution, for the rule of law, and for the enduring truth that no public office is ever beyond the reach of accountability.”


Ang alitang ito sa pagitan ng dalawang kapulungan ay nagpapakita ng kahalagahan ng malinaw na pagsunod sa Konstitusyon at pagrespeto sa tamang proseso. Bagaman parehong nagtatrabaho para sa iisang bansa, mahalagang tiyakin na ang bawat hakbang ay may basehan at hindi minamadali upang hindi masira ang tiwala ng publiko sa mga institusyon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento