Advertisement

Responsive Advertisement

GYM SA QUEZON CITY GINAWANG PATIENT WARD DAHIL SA PAGTAAS NG LEPTOSPIROSIS CASE

Biyernes, Agosto 8, 2025

 



Dahil sa biglang pagdami ng leptospirosis cases, napilitan ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City na gawing pansamantalang ward ang kanilang wellness center at gym upang makasalo ng mas maraming pasyente.


“Ginagawa namin ang lahat para masalo ang lahat ng pasyente. Pero mas mainam pa rin ang maagap na pag-iwas kaysa humantong sa ganitong kalubhang sitwasyon.” -Head, NKTI ER


Sa kasalukuyan, mahigit 100 pasyente ang naka-confine sa emergency room ng NKTI, na may normal na kapasidad lamang na 64 katao. Mahigit 50 sa kanila ay may leptospirosis, at apat na ang nasawi sa sakit na ito.


Ang repurposed gym ay tumatanggap na ngayon ng mahigit 20 pasyente, habang ang mga kritikal na kaso ay tinutugunan sa regular ward o intensive care unit (ICU).


Ayon sa head ng NKTI emergency room:


“Ang mga pumupunta sa aming institution sa NKTI ay mga malulubhang kaso ng leptospirosis na nangangailangan dialysis dahil pumapalya ang kanilang bato.”


Ang leptospirosis ay sakit na dulot ng bakterya mula sa ihi ng daga na maaaring mahalo sa tubig-baha. Kapag napabayaan, maaari itong magdulot ng kidney failure at kamatayan.


Mula Hulyo 13 hanggang Agosto 6, nakapagtala ang Department of Health ng 1,272 leptospirosis cases sa buong bansa — mas mababa ng 45% kumpara sa 2,000 kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.


Ipinapakita ng sitwasyong ito na kahit bumaba ang kabuuang bilang ng leptospirosis cases sa buong bansa, nananatili pa rin itong seryosong banta sa kalusugan lalo na sa mga lugar na madalas bahain. Kailangan ng mas maigting na kampanya laban sa pag-iwas sa baha, pagsusuot ng proteksiyon, at maagap na pagpapatingin sa doktor para maiwasan ang paglala ng sakit.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento