Advertisement

Responsive Advertisement

"ORAS NA SIGURO" NINONG RY, MAGPAPAALAM NA SA STUDIO SA MALABON DAHIL SA PAULIT-ULIT NA BAHA

Biyernes, Agosto 8, 2025

 



Matapos muling maranasan ang pagbaha, napilitan na si Ninong Ry, kilalang vlogger at chef, na isaalang-alang ang paglipat sa mas ligtas at mas maayos na lugar para sa kanyang studio.


“Masakit man iwan ang lugar na naging parte ng aming kwento, pero mas mahalaga ang kaligtasan at kapakanan ng team. Sana matulungan niyo kami makahanap ng bagong tahanan para sa aming mga kwento at lutuin.” -Ninong Ry


Sa isang taos-pusong post sa social media, inamin niya ang matinding epekto sa emosyon at pinansyal ng paulit-ulit na pagbaha sa kanilang kasalukuyang lokasyon.


“Nakaraos na kami sa baha at ngayon, pagkatapos ng deep cleaning, malinis na ulit. Nakakalungkot isipin na mauulit pa rin to. Sobrang daming oras, energy, at pera ang nasasayang tuwing mangyayari to kaya palagay ko, oras na. Oras na siguro para humanap kami ng bagong studio,” pahayag ni Ninong Ry.


Bagama’t malapit sa puso ni Ninong Ry ang kasalukuyang lokasyon at itinuturing niya itong “swerte” noon, aminado siyang kailangan na rin niyang tanggapin na maaaring ito rin ang nagdadala ng “malas.”


“Naniniwala kasi ako na swerte tong lugar na to pero hindi ba kung naniniwala ka sa konsepto ng swerte, dapat naniniwala ka din sa konsepto ng malas? Eto na nga siguro yun,” dagdag niya.


Ang paglipat ni Ninong Ry ay isang matapang na hakbang para masiguro ang kaligtasan at katatagan ng kanyang trabaho at ng kanyang team. Ipinapakita nito na minsan, kahit gaano natin kamahal ang isang lugar, kailangang magdesisyon para sa mas mabuti at mas ligtas na kinabukasan. 


Sa tulong ng kanyang mga tagasuporta, posibleng mas maging produktibo at mas inspiradong magpatuloy si Ninong Ry sa bago niyang tahanan para sa kanyang content.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento