Advertisement

Responsive Advertisement

MICHAEL V, NAGBAHAGI NG SEKRETO KUNG ANO ANG TUNAY NA KAIBIGAN: "KASAMA MO RIN SA PINAKAMADILIM NA BAHAGI NG BUHAY MO."

Lunes, Agosto 18, 2025

 



Sa isang makabuluhang pahayag ni Michael V, kanyang ipinaalala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaibigan na hindi lang nandiyan sa oras ng kasayahan, kundi higit sa lahat, sa panahon ng lungkot at pagkakamali.


Ayon sa kanya, “Ang tunay na kaibigan kasama mo sa saya at sa lungkot. Siya yung pwedeng makitawa sayo 'pag masaya ka at pwedeng pagtawanan ka, 'pag may ginawa kang sablay. Ang tunay na kaibigan, bihirang matagpuan, mahirap iwanan at imposibleng makalimutan.”


Hindi lahat ng nakakasama natin ay tunay na kaibigan. Ang ilan, naroon lamang kapag may benepisyo silang nakukuha, pero kapag dumating na ang problema, bigla na lang nawawala. Ngunit ang tunay na kaibigan, ayon kay Michael V, ay iyong handang makisaya at makitawa sa atin, at higit pa rito, kayang pagtawanan din ang ating mga pagkakamali upang turuan tayo ng kababaang-loob at pagiging matatag.


Ang pagkakaroon ng kaibigang totoo ay nagbibigay ng lakas at suporta sa gitna ng mga pagsubok. Ang ganitong klaseng tao ay hindi madaling matagpuan, kaya’t kapag natagpuan mo, ito ay isang kayamanang dapat pahalagahan. Ang totoo, sila ang nagbibigay kulay at balanse sa ating buhay may kakayahang pasayahin ka at sabayan ka sa iyong journey, saan ka man dalhin ng kapalaran.


Sa panahon ngayon, napakahalaga ng mga kaibigang hindi lang kasama sa tagumpay kundi nandiyan din sa oras ng kabiguan. Tulad ng sinabi ni Michael V, ang tunay na kaibigan ay bihirang matagpuan, mahirap iwanan, at imposibleng makalimutan. Kaya kung mayroon ka nito sa buhay mo, huwag mo nang pakawalan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento