Muling ibinahagi ni content creator at negosyanteng si Boss Toyo ang masalimuot na yugto ng kanyang buhay bago niya marating ang tagumpay na tinatamasa ngayon. Sa isang tapat na salaysay, inamin niyang dumaan siya sa matinding kahirapan na nagtulak sa kanya na gumawa ng mga maling desisyon.
"Hindi ako proud sa ginawa ko noon, pero proud ako na pinili kong magbago. Kung dati kaya kong gumawa ng mali para mabuhay, mas kaya kong gumawa ng tama para umasenso." – Boss Toyo
Ayon kay Boss Toyo, dumating sa punto na siya’y nang-i-snatch ng cellphone, partikular na Nokia, para lang may makain. May pagkakataon din na niloloko niya ang ibang tao—hihiram ng cellphone para isangla at makabili ng pagkain.
Hindi niya ikinahiya ang pagbabalik-tanaw sa mga pagkakamali, bagkus ay ginawa niya itong inspirasyon para magsumikap at magbago. Para sa kanya, ang pinakamahalaga ay ang pagtanggap sa maling nagawa at ang pagdedesisyong bumangon mula sa pagkakalugmok.
Ngayon, kilala na siya bilang isa sa mga matagumpay na content creators at negosyante sa bansa, patunay na walang imposibleng makamit kung may determinasyon at disiplina.
Ang buhay ay puno ng pagsubok at tukso, ngunit pinatunayan ni Boss Toyo na ang nakaraan ay hindi hadlang para baguhin ang kinabukasan. Sa pagtanggap sa sariling pagkakamali at pagsusumikap na magbago, posible ang tunay na tagumpay. Ang mahalaga ay kung paano ka babangon at magpapatuloy.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento