Advertisement

Responsive Advertisement

DIRETSAHANG SAGOT! VICE GANDA, SINUPALPAL ANG MGA KRITIKO: "BA’T KAYO NA-OFFEND, TOTOO NAMAN!"

Miyerkules, Agosto 13, 2025

 



Sa gitna ng kontrobersya na kinakaharap niya matapos ang mga biro sa kanyang Superdiva concert kasama si Regine Velasquez, diretsahan na sinagot ni Vice Ganda ang mga kritiko, partikular na ang mga tinaguriang DDS, na na-offend umano sa kanyang mga sinabi. Ayon sa kanya, karamihan sa mga nagalit ay hindi naman talaga dumalo sa concert at napanood lamang ang ilang clip sa social media.


"Aminin n’yo, kayo pa ‘yung na-offend pero wala naman kayo sa concert. Hindi naman para sa inyo ‘yon, hindi kayo nagbayad. Ang mahalaga, masaya ‘yung totoong nanood." - Vice Ganda


Sa kanyang mensahe sa audience, pinaalalahanan ni Vice ang lahat tungkol sa kahalagahan ng “living in the moment” at hindi basta magpokus sa cellphone, lalo na kung nagbayad para sa ticket upang masulit ang experience. Dagdag pa niya, ang mga totoong nanood ay masaya at nag-enjoy mula simula hanggang matapos ang show.


Hindi niya naiwasang banggitin na ang ilan sa mga pinaka na offend ay hindi naman nagbayad at nakisilip lang sa mga video online. “’Yung mga hindi nagbayad, tapos nakinood lang, naknamp*ta, ‘yun pa ‘yung may mga opinyon,” ani Vice. Sinabi rin niyang wala naman talagang kinalaman sa kanila ang mga biro kaya’t nakapagtataka kung bakit sila ang masyadong apektado.


Tinuligsa rin niya ang pagiging “selective” ng ilan sa pagtanggap ng biro, na kapag hindi pabor sa kanila ay agad tinatake personal. Sa huli, ipinunto ni Vice na hindi niya intensyon na magpasama ng loob sa sinuman, ngunit handa siyang panindigan ang kanyang estilo ng pagpapatawa.


Ang insidenteng ito ay nagpapakita ng manipis na hangganan sa pagitan ng komedya at opinyong pampulitika. Sa panahon ng social media, mabilis kumalat ang mga clip na puwedeng magdulot ng maling konteksto, lalo na sa mga taong hindi direktang nakaranas ng kabuuan ng isang pangyayari. Para kay Vice Ganda, nananatili siyang tapat sa kanyang istilo at paniniwala na ang tunay na audience ang mga totoong nanood at nagbayad ang mas mahalagang basehan ng kanyang performance.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento