Advertisement

Responsive Advertisement

ISANG SULAT MULA SA PUSO: LOLA NA MAY STROKE, IPINAMIGAY ANG ALAGANG ASO SA MAY MABUTING KALOOBAN

Lunes, Agosto 4, 2025

 



Hindi matatawaran ang pagmamahal ng isang lola sa kanyang alagang aso. Ngunit dahil sa pagsubok na dala ng karamdaman, kinailangan niyang gawin ang isa sa pinakamasakit na desisyon sa kanyang buhay ang iwan at ipagkatiwala ito sa ibang taong kayang magmahal at mag-alaga.


"Ate, Kuya… masakit man sa kalooban ko, ako po si Lola Ignacia malapit sa Aurora Tondo Manila. Humihingi po ako ng pasensya dahil ako may karamdaman at di ko maalagaan ang aso ko na di nakakatayo na, stroke po ako. Ito na lang po naisip kong paraan na ipabigay siya sa sino mang makakita sa kanya. Mamahalin at aalagaan ng mabuti ang aso ko. Gustong ipatapon ng manugang ko ang kaisa-isang aso ko dahil di ko na kaya kumilos pa."


Si Lola Ignacia mula sa Aurora, Tondo, Manila ay tinamaan ng stroke, dahilan upang hindi na niya magampanan ang simpleng gawaing bahay kasama na rito ang pangangalaga sa kanyang tanging kaibigan sa buhay: ang kanyang aso.


Sa kabila ng kanyang iniindang karamdaman, isinulat ni Lola Ignacia sa isang pirasong papel ang kanyang taos-pusong mensahe. Isinilid niya ito kasama ng kanyang alaga sa isang maayos na kahon, na tila ba'y isang love letter para sa susunod na magmamahal sa kanyang aso.


Ang sulat ay natanggap ng Animal Kingdom Foundation (AKF), isang kilalang non-government organization na nagsusulong ng kapakanan ng mga hayop sa bansa. Agad nilang inaksyunan ang panawagan ni Lola, at ngayon ay nasa kanilang pangangalaga na ang alaga nitong aso ligtas, may sapat na pagkain, at muling nakakaramdam ng pagmamahal.


Ayon sa AKF, plano nilang alagaan ang aso habang naghahanap ng bagong fur-ever home isang tahanang kasing-init ng pagmamahal na ipinadama ni Lola Ignacia.


Ang kwento ni Lola Ignacia ay isang paalala ng wagas na pag-ibig hindi lamang sa tao kundi pati sa mga hayop na naging saksi at kasama sa bawat yugto ng ating buhay. Sa kabila ng kanyang paghihirap, pinili niyang isakripisyo ang sarili upang matiyak ang kinabukasan ng kanyang aso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento