Advertisement

Responsive Advertisement

KATHRYN NILAGLAG NG IT'S SHOWTIME? FANS FANS UMALMA SA VIRAL SEGMENT NG NOONTIME SHOW

Lunes, Agosto 4, 2025

 



Nitong Sabado, sa segment ng noontime show na ‘Escort Mo, Show Mo,’ magkasunod na itinapat ang dalawang contestant na may mga pangalan na Daniel at Mark—pangalan ng ex-boyfriend ni Kathryn at ang madalas na inuugnay sa kanya ngayon.


Tila nag-init lalo ang eksena nang tanungin ni Jhong Hilario si Maymay Entrata, isa sa mga hurado, kung sino ang pipiliin niya sa dalawa kung sakaling makikipag-date siya. Matapos ang ilang segundong pag-iisip, pinili ni Maymay si Mark. Nagkagulo ang studio sa hiyawan, pero iba ang naging reaksyon ng mga netizens.


Sa social media, agad pumutok ang hashtag topics tulad ng #RespectKathryn at #ItsShowtimeTriggered, habang maraming fans ang umalma at sinabing tila sinadya ang setup para mapag-usapan ang kontrobersyal na love life ni Kathryn Bernardo. Ayon sa ilan, hindi raw ito makatao at tila panlalaglag sa isang taong matagal na nagtrabaho at nagbigay ng pangalan sa ABS-CBN.


Isa pang netizen ang nagsabi:

“Kahit sinong matinong fan mapapaisip talaga. Coincidence ba talaga o scripted? Para bang sinampal si Kathryn sa sarili niyang tahanan.”


“Mahal namin si Kath, at sana kung may respeto kayo sa kanya, iwasan na siyang gamitin bilang content. Hindi nakakatuwa.” -Pahayag mula sa fans


Sa panahong sensitibo ang publiko sa mga isyung personal, lalo na sa mga iniidolong artista, nararapat na mas maging responsable ang mga palabas sa TV. Bagama’t maaaring hindi sinadya, ang epekto sa damdamin ng fans ay hindi maikakaila. Kung talagang wala itong malisya, dapat ito ay linawin dahil minsan, ang katahimikan ay mas lalong nagpapainit ng usapan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento