Hindi na bago sa lipunan ang usaping pagtataksil. Madalas itong nakikita sa mga pelikula, teleserye, at maging sa totoong buhay. Ngunit para kay Ian Veneracion, walang kahit anong "astig" o "cool" sa pagiging babaero.
"Madaling mambabæ, kahit sino pwedeng mambabæ. There's nothing cool about it. Pero yung sticking to the one you know that's meant for you, that's the right path. It takes more of a man to be like that."
Ayon sa kanya, madali ang mambabae dahil kahit sino, kayang gawin iyon. Ang tunay na sukatan ng isang lalaki ay hindi kung gaano karami ang babae sa buhay niya, kundi kung paano siya mananatiling tapat sa iisang taong alam niyang para talaga sa kanya. -Ian Veneracion
Para kay Ian, mas malakas at mas matapang ang lalaking marunong magpigil, magpahalaga, at mag-alaga ng relasyon. Ang katapatan ay hindi lamang simpleng desisyon, kundi isang pagpili araw-araw lalo na sa panahon na maraming tukso at opurtunidad para lumihis sa tamang landas.
Sa panahon ngayon na maraming relasyon ang nauuwi sa hiwalayan dahil sa pagtataksil, napakahalaga ng mensaheng dala ni Ian Veneracion. Hindi madaling manatiling tapat, pero ito ang mas tamang landas para sa isang tunay na lalaki. Ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa dami ng babae na dumadaan sa buhay mo, kundi sa lalim ng katapatan at pagmamahal na naibibigay mo sa iisa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento