Advertisement

Responsive Advertisement

FROM KASINO TO KUSINA: ANG KWENTO NG PAG-AHON AWIT GAMING GAMIT ANG ₱140 BAGOONG

Lunes, Agosto 4, 2025

 



Matapos ang kontrobersyal na pagkatalo ng mahigit ₱69 milyon sa sugal, muling binalikan ng publiko si Awit Gaming, ngunit ngayong pagkakataon, hindi na bilang sugarol kundi bilang negosyante.


Sa isang nakakagulat ngunit nakaka-inspire na pagbabalik online, ipinakilala ng dating viral content creator ang kanyang bagong pinagkakaabalahan: ang pagbebenta ng sariling gawang bagoong. Sa halip na casino chips, ang laman ng kanyang kamay ngayon ay garapon ng "Bagoong ni Awit," may dalawang variant Spicy at Original, na ibinebenta sa halagang ₱140 kada piraso.


Si Awit Gaming ay naging usap-usapan sa social media matapos umanong matalo ng mahigit ₱69 milyon sa online at live gambling. Sa kabila ng mga batikos at pangungutya, hindi siya nawala sa eksena nagdesisyon siyang simulan muli ang buhay mula sa simpleng negosyo.


"Hindi ko ikinakahiya ang nakaraan ko. Pero ngayong bagoong na ang laman ng content ko, gusto kong ipakita na pwede pa ring bumangon kahit ilang ulit kang matalo,” ani Awit sa isang Facebook reel.


Hindi lang basta produkto ang bagoong niya, ito ay simbolo ng pagbabago, pagtanggap sa pagkakamali, at pagsisimula ng panibagong kabanata. Marami ang humanga sa kanyang tapang at pagiging totoo sa kanyang karanasan.


Hindi lahat ng pagkatalo ay katapusan. Minsan, kailangan mo lang tanggapin ang iyong pagkakamali at hanapin ang tamang daan para bumangon. Sa kwento ni Awit Gaming, napatunayan nating posible pa ring makabangon kahit sa pinakamatinding pagkabagsak—basta may determinasyon, diskarte, at bagoong na galing sa puso.


“Kahit nagsimula ako sa pagkakamali, sisiguraduhin kong matatapos ako sa tagumpay ngayon, hindi sa kasino kundi sa kusina,” – Awit Gaming.


Maging inspirasyon sana ito sa mga nawalan ng direksyon dahil habang may garapon ng bagoong, may pag-asa pa rin.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento