Sa ilalim ng init ng araw at sa gitna ng pagod, makikita si Tatay Dionesio, isang 80-taóng gulang na sorbetero, matiyagang nagtutulak ng kanyang kariton sa lansangan. Hindi para sa sarili—kundi para sa kanyang mga apo na ulila na sa ina. Sa edad na dapat ay nagpapahinga na, si Tatay ay patuloy na naghahanapbuhay para may maipakain sa mga batang umaasa lamang sa kanya.
“Basta may lakas pa ako, di ko pababayaan ang mga apo ko. Kahit isang kahig, isang tuka, basta sila ay nakakain at ligtas… okay na ako.” -Tatay Dionesio
Ayon sa isang concerned citizen na nakasalubong kay Tatang, wala pa raw siyang kain buong araw. Kahit patis lang daw ay ayos na. Sa araw na iyon, matumal pa ang benta. Ang customer, na nahabag, ay nag-abot ng kanin at de-lata. Doon niya mas lalong naintindihan kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ni Tatay Dionesio.
Nasa Mindanao ang kanyang mga anak, kaya siya na mismo ang tumatayong magulang, provider, at tagapangalaga sa mga apo. Kahit tagtuyot sa kita, kahit masakit na ang tuhod, hindi niya iniiwan ang kanyang tungkulin bilang lolo na may puso ng tunay na bayani.
Ang kwento ni Tatay Dionesio ay isang malakas na paalala na hindi mo kailangang maging sikat o mayaman para maging bayani. Sa bawat hakbang niya sa initan, sa bawat benta ng sorbetes, at sa bawat araw na pinipili niyang lumaban, ipinapakita niya kung ano ang tunay na pagmamahal at sakripisyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento