Sa panahon ngayon na laganap ang mahal na bayarin sa pagpapagamot, isang 27-anyos na doktor mula Taguig ang nag-viral dahil sa kanyang malasakit sa mga pasyente. Si Dr. Russel Nacog-ang Guadilla, isang general physician na nakatira sa BGC at may klinika sa Barangay West Rembo, ay naniningil lamang ng ₱300 para sa students, senior citizens, at PWDs, at ₱350 para sa regular consultations.
"Hindi lahat ng serbisyo medikal kailangan maging mahal. Naniniwala ako na mas mahalaga ang makatulong sa mas maraming tao. Ang pagiging doktor ay higit pa sa trabaho isa itong tawag ng puso." -Dr. Russel Guadilla
Ayon kay Dr. Guadilla, hindi basta-basta ang presyo na kanyang itinakda. Kinonsulta niya ang pamilya at mga kaibigan upang makapagdesisyon sa halagang makakaya ng komunidad, lalo na’t karamihan sa kanyang lugar ay low- to mid-income earners. Bagama’t mas mababa sa karaniwang ₱600 pataas na consultation fee ng ibang doktor, naniniwala siya na sapat ito upang masuportahan ang operasyon ng kanyang klinika at mapanatiling abot-kaya para sa lahat.
Nakapasa siya sa Physicians Licensure Exam noong Oktubre 2024 at nagbukas ng kanyang klinika noong Marso 2025. Sa isang Facebook post, ibinahagi niya na napansin niyang kakaunti ang mga pribadong klinika sa paligid ng BGC, at lalo pang kakaunti ang abot-kaya para sa karaniwang mamamayan.
"It makes you feel that being a doctor is not just a job, it’s a calling," ani Dr. Russel, na pinuri ng maraming netizens dahil sa kanyang dedikasyon at malasakit sa kalusugan ng mga Pilipino.
Ang kwento ni Dr. Russel Guadilla ay patunay na may mga taong handang magsakripisyo para sa kapakanan ng iba. Sa kanyang murang consultation fee, hindi lamang niya ginagampanan ang tungkulin bilang manggagamot, kundi nagiging pag-asa rin siya para sa mga pamilyang hirap sa gastusin sa kalusugan. Sa panahong mahal ang lahat ng bagay, tunay na inspirasyon ang mga tulad niya na inuuna ang serbisyo kaysa sa kita.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento