Advertisement

Responsive Advertisement

CONG. KIKO BARZAGA MATAPANG NA PANUKALA: "DEATH PENALTY PARA SA SADISTANG ANIMAL ABUSER"

Lunes, Agosto 4, 2025

 



Isang matapang at kontrobersyal na pahayag ang binitawan ni Cavite 4th District Representative Francis “Kiko” Barzaga ukol sa parusa para sa mga hayop na biktima ng kalupitan.


"Kapag ang isang tao ay paulit-ulit at sadya nang nananakit ng hayop, hindi ito simpleng kapabayaan. Isa na itong anyo ng kalupitan na dapat seryosohin ng batas," ani Barzaga.


Ayon kay Rep. Barzaga, dapat umanong isama sa mabibigat na krimen ang paulit-ulit na pang-aabuso sa hayop. Naniniwala siyang kung may matibay na ebidensyang may intensyon at regularidad ang pananakit ng hayop, lalo na kung “extreme recidivist” o paulit-ulit na gumagawa ng krimen ang tao, nararapat lang daw na makonsidera ito sa mga kaso na maaring mapatawan ng death penalty.


Sa kasalukuyan, protektado ng Animal Welfare Act ang mga hayop sa bansa, ngunit marami pa ring insidente ng kalupitan ang hindi naisasampa ng kaso o napapabayaan.


Ayon kay Rep. Barzaga, hindi lamang mga hayop ang nasa panganib sa kamay ng mga habitual animal abusers. Base sa ilang pag-aaral, karamihan sa mga serial offenders ay nagsimula sa kalupitan sa hayop bago tuluyang gumawa ng mas mabigat na krimen laban sa kapwa tao.


"Kung hahayaan natin ito, baka dumating ang panahon na hindi na lang hayop ang kanilang sasaktan. Kaya mas mainam nang pigilan habang maaga," dagdag pa ng kongresista.


Hati ang pananaw ng publiko ukol sa panukala. May ilan na nagsasabing masyado itong mabigat para sa ganitong uri ng krimen, habang may iba naman na sumasang-ayon at naniniwalang ito ang tamang hakbang para tuluyang mawala ang karahasan sa mga hayop.


Ang panukala ni Rep. Barzaga ay hindi lamang isang babala sa mga hayop na inaabuso kundi isang panawagan para sa makatao at makalikasang katarungan. Sa isang mundo kung saan ang hayop ay bahagi na rin ng pamilya ng marami, dapat lang siguro na mabigyan ng bigat ang kanilang karapatan.


"Hindi na lang ito tungkol sa hayop, kundi sa uri ng lipunang gusto nating itaguyod. Isang lipunang may malasakit at disiplina. Hindi natin kailangan ng mas maraming mapang-abusong mamamayan."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento