Sa gitna ng kontrobersiya at kaliwa’t kanang batikos, nanindigan si Arnold Clavio, beteranong mamamahayag at anchor ng Unang Hirit, sa kanyang paninindigang tapat sa propesyon bilang tagapaghatid ng balita.
Sa isang mahabang pahayag na kanyang ibinahagi sa Instagram ngayong Sabado, Agosto 22, 2025, tahasang sinabi ni Clavio:
“Bilang mamamahayag, PANGAKO IINGATAN KO ANG TOTOO. Hindi man ito maging popular sa marami, maninindigan at maninindigan ako. MATITIGAN KO DIRETSO SA MATA ang bawat mamamayang Pilipino na ako ay naging tapat sa aking propesyon, mula noon hanggang ngayon.”
Ang kanyang pahayag ay kasunod ng mga akusasyon ni Pasig City Mayor Vico Sotto laban sa mga mamamahayag na sina Julius Babao at Korina Sanchez, kaugnay ng panayam sa mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya.
Sa isang Facebook post noong Huwebes, Agosto 21, binatikos ni Mayor Vico ang ilang kilalang mamamahayag na aniya’y pumayag mag-interview sa contractor kapalit ng umano’y malaking halaga.
Bahagi ng kanyang post ang tanong:
“Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na Pumapasok sa Politika, hindi ba nila naisip na, 'Uy teka, ba’t kaya handa ’to magbigay ng 10 million para lang magpa-interview sa akin??”*
Bagamat walang direktang pinangalanan, pinanindigan ni Arnold na layunin lamang ni Vico na sirain ang kredibilidad ng mga mamamahayag.
Ayon kay Clavio, hindi siya pipi, bulag o bingi upang hindi marinig ang hinaing ng mga mamamayan. Ngunit aniya, hindi rin dapat basta sirain ang reputasyon ng mga taong naglilingkod ng tapat sa bayan.
“Pipiliting sirain ng mga sakim sa pera’t kapangyarihan ang sinuman na pumupuna sa kanyang maling gawa,” dagdag pa niya.
Sa kabila ng mga batikos at personal na atake sa kanyang pagkatao, nanatiling matatag si Clavio sa kanyang prinsipyo at ipinaglalaban ang katotohanan.
Ang isyu sa pagitan ni Mayor Vico Sotto at mga beteranong mamamahayag ay patuloy na umaani ng atensyon mula sa publiko. Sa kabila ng mga batikos, ipinakita ni Arnold Clavio na nananatiling mahalaga sa kanya ang katotohanan at integridad bilang mamamahayag.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento