Advertisement

Responsive Advertisement

MAYOR NG DUMANJUG, VIRAL MATAPOS SAMPALIN ANG SUSPEK NG ONLINE SEXUAL ABUSE NG ISANG MENOR DE EDAD: "KARAPAT-DAPAT LAMANG NA PARUSAHAN"

Sabado, Agosto 23, 2025

 



Isang kontrobersyal na video ang kumalat sa social media kung saan makikitang sinampal mismo ni Dumanjug Mayor Gungun Gica ang isang lalaki na diumano’y sangkot sa online sexual abuse at exploitation ng isang menor de edad.


“Hindi ko ito ginawa para sa likes o views. Ginawa ko ito dahil galit ako sa mga taong nananamantala ng kabataan. Handa akong harapin ang anumang kapalit basta’t para sa proteksyon ng ating mga bata.” -Gungun Gica 


Ayon sa alkalde, Agosto 19 nang ipatawag niya sa kanyang bahay ang suspek at ang kinakasama nito upang personal na harapin at tanungin tungkol sa kaso. Makalipas ang tatlong araw, Agosto 22, ibinahagi mismo ng alkalde sa kanyang Facebook page ang naturang video kung saan makikitang sinampal niya ang suspek sa gitna ng kanilang pag-uusap.


Depensa ni Mayor, dala umano ng kanyang emosyon ang naging reaksyon niya matapos marinig ang mga alegasyon at makita mismo ang mga taong sangkot sa krimen. Giit pa niya, hindi niya ito ginawa para magpasikat kundi para maipakita ang kanyang malasakit at galit laban sa mga sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.


Ang pangyayaring ito ay nagsisilbing paalala na mainit ang isyu ng online sexual abuse at exploitation ng mga bata (OSAEC) sa bansa. Habang marami ang nakisimpatya kay Mayor Gungun Gica dahil sa kanyang malasakit at pagiging matapang, nananatili pa ring tanong kung tama ba ang ginawa niyang paraan ng pagharap sa sitwasyon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento