Advertisement

Responsive Advertisement

DJ NICOLE HYALA, MATAPANG NA HAHARAPIN ANG LABAN SA THYROID CANCER: ‘MALI KA NG KINALABAN, ’WAG AKO!

Miyerkules, Hunyo 25, 2025


 

Isang emosyonal ngunit matatag na rebelasyon ang ibinahagi ng kilalang Love Radio DJ na si Nicole Hyala (Emmylou Gaite-Tiñana) nang aminin niyang siya ay na diagnose na may thyroid cancer at nakatakdang sumailalim sa operasyon ngayong Hulyo.


“Difficult na and scary and crazy world that we live in, and it’s important that we continue to have faith. Faith means trusting even if the storm is raging.”


“I’ve survived storms that could’ve drowned me and this is just another wave I know I can ride, with God beside me.”


“Thyroid cancer. You’re just another name and I have faith in the One who’s above all names. So let’s do this, thyroid cancer. You picked the wrong girl. Mali ka ng kinalaban, ’wag ako!”  -DJ Nicole Hyala 


Sa kanyang radio program at Facebook live broadcast, ibinahagi ni Nicole ang kanyang naging pakikipaglaban sa balitang lubhang gumulantang sa kanya at sa kanyang pamilya.


“Napag-alaman namin na recently, yung resulta ng aking biopsy… ako daw po ay merong thyroid cancer,” ani Nicole sa isang maluhaing tinig. “At ang sakit at ang saklap sa katotohanan.”


Ayon kay Nicole, dalawang linggo na mula nang malaman niya ang resulta ng biopsy. At ngayong Hulyo, sasailalim siya sa full thyroidectomy ang pagtanggal ng buong thyroid gland.


Sa kabila ng malungkot na balita, nagawa pa rin ni Nicole ang magpatawa:


“Ay, feeling ko ang balik sa akin ni Lord nito, ‘Tinanggal lang kita ng thyroid, dadagdagan kita ng boobs.’”


Dumagsa ang panalangin at suporta mula sa kanyang tagahanga, kaibigan, at kapwa media personalities. Marami ang humanga sa kanyang tapang, transparency, at pananampalataya sa gitna ng unos.


Ang laban ni DJ Nicole Hyala ay hindi lamang laban sa sakit, kundi laban sa takot, pag-aalinlangan, at kawalan ng pag-asa. Isa siyang buhay na patunay na kahit sa gitna ng pinakamadilim na yugto, may liwanag kapag may pananampalataya.


Maging inspirasyon sana si Nicole sa mga taong may pinagdaraanang sakit  na hindi kailangang mawalan ng ngiti, ng pananampalataya, at ng lakas ng loob.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento