Isang babae na konsehal sa Tuguegarao City ang naging viral kamakailan matapos ma-broadcast nang live ang kanyang pagbasa ng opening prayer sa regular session ng city council noong Hunyo 17, 2025 ngunit sa halip na isang taimtim na panalangin lang ang marinig, kasama ring nabasa ang AI prompt at instruction!
“Tao lang po tayo. Nagmamadali ako sa paghahanda ng script. Pero ang intensyon ko naman ay tunay taimtim na panalangin para sa bayan. Kung may pagkakamali man, handa akong tumanggap ng puna at matuto rito.” -Pahayag ng Konsehala
Ayon sa mga netizen, malinaw na gumamit ng Artificial Intelligence (AI) ang konsehala, marahil bilang tulong sa paggawa ng panalangin. Pero ang hindi inaasahan, kasama niyang naibasa nang malakas ang default AI instruction na “Feel free to modify this prayer or tailor it to your specific needs…”
Habang binabasa ng konsehala ang dasal para sa session, malinaw na sinabi niya:
“May Your divine light shine upon us. Guiding us in our endeavors and filling our hearts with hope and inspiration…”
Ngunit sumunod na linya ay agad nag-udyok ng reaksyon:
“May we also pray… feel free to modify this prayer or tailor it to your specific needs and benefits…”
Tumigil siya saglit, tila napansin ang sablay, ngunit itinuloy ang panalangin sa tradisyunal na pagtatapos:
“This we ask in Jesus’ name, Amen.”
Sa panahon ng makabagong teknolohiya, hindi na nakapagtataka na gamitin ang AI bilang katuwang sa trabaho ngunit sa gobyerno, may bigat at respeto ang bawat salitang binibigkas.
Bagamat nagmistulang biro ang insidente, ito ay paalala sa lahat ng opisyal sa serbisyo publiko na kahit sa pinakamaliit na bahagi ng tungkulin gaya ng isang panalangin dapat ay handa, sinsero, at may kababaang-loob.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento