Advertisement

Responsive Advertisement

ROMUALDEZ TODO ANG SUPORTA SA ANTI-DRUG CAMPAIGN NI PANGULONG MARCOS: 'PARA SA KALIGTASAN NG BAWAT PILIPINO'

Miyerkules, Hunyo 25, 2025


 

Matapos ang pagkakahuli ng halos ₱8.9 bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa karagatan ng Hilagang Pilipinas, agad nagpaabot ng matibay na suporta si House Speaker Martin Romualdez sa pinaigting na kampanya kontra droga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


“Ito ay hindi lang isyu ng batas ito ay isyu ng kalusugan at pambansang seguridad. Kaisa kami ng Pangulo sa paggawa ng batas na magpapalakas sa border control, maritime security, at mga programang rehabilitasyon.” -Romualdez


Ayon kay Romualdez, isang matapang na hakbang ang pagpapasira agad ng mga nakumpiskang droga gamit ang thermal decomposition technology sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na aniya'y malinaw na patunay ng transparency at seryosong liderato.


“Ang approach ng Pangulo ay hindi marahas—ito ay nakabatay sa batas. Ito ang klaseng pamumuno na dapat nating suportahan,” ayon kay Romualdez.


Hindi umano magtatagumpay ang operasyon kung wala ang alerto at malasakit ng mga mangingisda sa mga baybaying-dagat ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Cagayan. Ayon sa mga ulat, sila ang unang nakapansin sa kahina-hinalang galaw sa laot, dahilan upang agad itong masita ng mga awtoridad.


Ang matagumpay na pagsalakay sa isa na namang malaking shipment ng iligal na droga ay ebidensiya na seryoso ang administrasyon ni Pangulong Marcos sa paglilinis ng bansa. Sa suporta ng Kamara na pinangungunahan ni Speaker Romualdez, tiyak na mas magiging malalim ang epekto ng kampanya mula sa karagatan hanggang sa loob ng Kongreso.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento