Advertisement

Responsive Advertisement

LAMAN NG PLASTIK, LAMAN NG PANGARAP: MGA MAGULANG SA VIETNAM, ISINASAKO ANG MGA ANAK PARA MAKAPASOK SA PAARALAN

Miyerkules, Hunyo 25, 2025

 



Sa isang liblib na bayan sa Vietnam, naging usap-usapan ang nakakaantig na kwento ng mga magulang na isinisilid ang kanilang mga anak sa plastic bag upang makatawid sa rumaragasang ilog patungong paaralan.


“Ginagawa namin ito dahil ayaw naming tumigil ang mga anak namin sa pag-aaral. Wala kaming tulay, wala kaming ibang paraan. Basta makarating sila sa paaralan ng tuyo at ligtas, okay na kami.” -Pahayag mula sa isang magulang


Hindi ito eksena mula sa pelikula ito ay tunay na sakripisyo. Sa tuwing umaga, nagsusuot ng makapal na plastic bag ang mga bata, at isa-isang inilulubog ng kanilang mga magulang sa tubig upang makatawid nang tuyo sa kabila ng ilog. Dahil wala silang tulay, ito lamang ang tanging paraan para hindi mabasa ang mga damit at gamit ng kanilang anak.


Ayon sa mga magulang, ginagawa nila ito hindi para sa biro, kundi para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.


Ang kwento ng mga batang isinasako sa Vietnam ay hindi lamang simbolo ng kahirapan, kundi larawan ng walang kapantay na determinasyon at pagmamahal ng magulang. Sa kabila ng panganib, inuuna nila ang edukasyon isang bagay na sa ibang lugar, basta na lang kinakaligtaan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento