Nilinaw ni Senate President Pro Tempore Sherwin “Win” Gatchalian na walang resource person na papayagang pumasok sa Senate building ngayong Huwebes, Hunyo 4, 2026, para sa dapat sana’y pagpapatuloy ng Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng flood control scandal.
Ang pahayag na ito ay lumabas matapos magkaroon ng magkasalungat na direktiba sa Senado. Sa isang panig, nanindigan si Alan Peter Cayetano na tuloy ang Blue Ribbon hearing. Sa kabilang panig, sinabi naman ng bagong liderato sa pangunguna nina Gatchalian at Sen. Erwin Tulfo na walang hearing ngayong araw.
Nahalal si Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President matapos makabuo ng quorum ang mga dumalong senador noong Hunyo 3, sa gitna ng dalawang araw na pagkakabalam ng sesyon dahil sa hindi pagdalo ng dating majority bloc.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento