Nagbigay ng matinding babala si Senador Alan Peter Cayetano sa gitna ng Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng umano’y ghost flood control projects.
Ayon kay Cayetano, sinumang mang-iistorbo, haharang, o pipigil sa isinasagawang pagdinig ay maaaring humarap sa pananagutang kriminal. Ang pahayag na ito ay lumabas habang patuloy ang tensyon sa Senado tungkol sa kung sino ang may awtoridad na magpatuloy ng Blue Ribbon hearing sa gitna ng leadership dispute.
“Again, may I remind, even our own employees ha, pagka in-interrupt niyo or dinisturb or pipigilan niyo ’yung ating hearing, ’yan po ay criminal offense.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento