Mariing kinuwestiyon ni Sen. Loren Legarda ang pagkakahalal kay Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore matapos ang sesyong dinaluhan ng 12 senador. Para kay Legarda, hindi sapat ang bilang na ito upang maghalal ng mga pangunahing opisyal ng Senado.
“Malinaw ang Konstitusyon at malinaw ang rules ng Senado. Kung 24 ang miyembro ng Senado, 13 ang mayorya. Hindi maaaring gawing 12 ang kailangan para lamang maisulong ang isang reorganization na may seryosong tanong sa legalidad.”
Giit niya, malinaw sa 1987 Constitution at sa alituntunin ng Senado na kinakailangan ang mayorya ng lahat ng miyembro. Dahil 24 ang kabuuang bilang ng Senado, ang mayorya ay 13, hindi 12. Ayon sa ulat, sinabi ni Legarda na hindi maaaring valid na maghalal ng Senate President, Senate President Pro Tempore, Senate Secretary, Sergeant-at-Arms, at iba pang opisyal kung kulang sa 13 ang boto.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento