Tinawanan lamang ni Senador Alan Peter Cayetano ang hakbang ni Senador Win Gatchalian matapos ideklara ng bagong bloc na bakante ang mga posisyon sa liderato ng Senado at italaga si Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President.
“I actually laughed because Sen. Win did not know that you cannot declare all seats vacant with only 12 votes.”
Ayon kay Cayetano, hindi raw alam ni Gatchalian ang ginagawa nito dahil hindi puwedeng ideklara na bakante ang lahat ng posisyon sa Senado gamit lamang ang 12 boto. Nauna nang iniulat ng GMA News na tinawag ni Cayetano ang pagkakahalal kay Gatchalian bilang bahagi ng isang umano’y “illegal coup d’etat” matapos mag-reconvene ang Senado na may 12 senador na present.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento