Nakatakdang kunin sa Senado sa Lunes, Hunyo 8, ang kontrobersiyal na contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya matapos maglabas ng warrant of arrest ang Bulacan Regional Trial Court Branch 20 laban sa kanya at sa sampu pang indibidwal kaugnay ng kasong malversation na konektado sa umano’y maanomalyang flood control project sa Bulacan.
Mula sa mga pagdinig, alegasyon, at mga pangalan na lumutang, umabot na ang usapin sa korte. Ibig sabihin, hindi na lamang ito palitan ng akusasyon sa Senado. May pormal nang hakbang ang hudikatura para panagutin ang mga sangkot sa umano’y paglustay ng pondo ng bayan.
Kasama rin sa arrest warrant ang asawa ni Discaya na si Sarah Discaya, ilang opisyal, at iba pang indibidwal na inuugnay sa kaso. Ayon sa ulat, ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento