Ibinunyag ni NBI Director Melvin Matibag na nakatanggap umano ang National Bureau of Investigation ng impormasyon na binayaran daw ni dating Congressman Mike Defensor ang bawat isa sa 18 “ex-Marines” ng tig-₱5 milyon kapalit ng testimonya kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Mahalagang linawin: ito ay alegasyon at impormasyong natanggap pa lamang ng NBI. Hindi pa ito hatol ng korte at kailangan pa itong patunayan sa imbestigasyon.
Pero diretsong sabihin: kung totoo ito, napakabigat nito. Hindi na lang ito usapin ng flood control anomaly. Usapin na rin ito ng posibleng pagbili ng testimonya, pagmanipula sa imbestigasyon, at paggamit sa mga witness para sa mas malaking political operation.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento