Advertisement

Responsive Advertisement

“22 DIVIDED BY TWO, PLUS ONE, THAT’S 12” SEN. ERWIN TULFO IGINIIT NA 12 NA 22 NA LANG SILANG AKTIBONG SENADOR

Huwebes, Hunyo 4, 2026

 



Nanindigan si Senador Erwin Tulfo na 22 na lang ang dapat ituring na aktibong bilang ng mga senador sa kasalukuyang sitwasyon ng Senado. Ayon sa kanya, hindi na raw dapat isama sa computation sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Senador Jinggoy Estrada dahil si Dela Rosa ay nagtatago kaugnay ng ICC arrest warrant, habang si Estrada naman ay nahaharap sa kasong may kaugnayan sa flood control scandal.


Sa paliwanag ni Tulfo, kung 22 na lang ang base number, ang majority ay 12: “22 divided by two, that’s 11 plus one, that’s 12.” Ginamit ni Tulfo ang argumentong ito para ipaliwanag kung bakit may quorum ang 12 senador na dumalo sa sesyon.


Diretsahan ang punto ni Tulfo: kung hindi kayang kunin ng Senado ang presensya o boto ng dalawang senador dahil sa kanilang legal na sitwasyon, hindi raw makatarungan na patuloy silang isama sa bilang na kailangan para makagalaw ang institusyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento