Mariing pinuna ni Rep. Gerville Luistro ang impeachment complaint na inihain laban kay Ferdinand Marcos Jr.. Ayon kay Luistro, walang obligasyon ang Pangulo na magpakita ng drug test o medical records dahil hindi ito requirement ng Konstitusyon at hindi rin bahagi ng pamantayan ng impeachment.
Para sa mambabatas, malinaw na nalilihis sa tamang direksiyon ang reklamo at mas kahawig ng political harassment kaysa seryosong usaping legal.
Iginiit ni Luistro na kung may sukatan man ng kakayahan ng isang Pangulo, ito ay ang resulta ng kanyang pamumuno. Tinukoy niya ang pagtaas ng ekonomiya at ang magandang performance ratings ng Pangulong Marcos bilang indikasyon na maayos ang direksiyon ng bansa at malinaw ang pamumuno.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento