Advertisement

Responsive Advertisement

"MAHINA ANG MGA EBIDENSYANG SINUMITE NILA" REP. TERRY RIDON AT IBA PANG MYEMBRO TULUYAN NG IBINASURA ANG IMPEACHMENT COMPLAINT LABAN KAY PANGULONG MARCOS

Miyerkules, Pebrero 4, 2026

 



Tuluyan nang ibinasura ng House Committee on Justice, sa pangunguna ni Terry Ridon, ang dalawang impeachment complaints na isinampa laban kay Ferdinand Marcos Jr.. Ayon sa komite, ang mga reklamo ay “insufficient in substance” ibig sabihin, kulang ang ebidensya at hindi sapat ang mga alegasyon upang idiin ang Pangulo sa anumang paglabag na saklaw ng impeachment.


Ang desisyong ito ay dumaan sa masusing deliberasyon ng mga miyembro ng komite, na siyang unang nagsasala ng mga reklamong inihahain laban sa matataas na opisyal ng bansa.


Iginiit ni Rep. Ridon na sa kanilang pagsusuri, wala silang nakitang paglabag sa mga ginawang hakbang at desisyon ng Pangulo. Para sa komite, malinaw na ang impeachment ay hindi maaaring ibatay sa haka-haka, opinyon, o political noise. Kinakailangan ng malinaw, kongkreto, at direktang ebidensya na magpapatunay ng culpable violation of the Constitution o betrayal of public trust.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento