Mariing kinuwestiyon ni Leila de Lima ang impeachment complaint na isinampa laban kay Ferdinand Marcos Jr., partikular ang paratang na diumano’y may kinalaman sa paggamit ng ilegal na droga. Ayon kay De Lima, hindi ito lehitimong batayan para sa impeachment kung walang malinaw at kongkretong ebidensya na may direktang epekto ito sa mga opisyal na gawain ng Pangulo.
Ipinaliwanag ni De Lima na kahit ipagpalagay for the sake of argument na totoo ang alegasyon, kulang pa rin ang reklamo dahil hindi nito naitatag kung paano naapektuhan ang mga partikular na presidential acts. Sa madaling salita, walang malinaw na koneksyon sa impairment ng tungkulin ng Pangulo na magpapasok sa saklaw ng betrayal of public trust.
Iginiit pa ni De Lima na ang pagpapababa ng pamantayan ng impeachment ay nakapipinsala sa institusyon. Kapag tinanggap ang mga reklamo na walang sapat na batayan, nagiging political weapon ang impeachment sa halip na mekanismo ng pananagutan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento