Ipinahayag ni Tito Sotto ang kanyang kumpiyansa sa sariling kaalaman sa batas, kasabay ng paggiit na hindi kailangang maging abogado upang maunawaan ang mga usaping konstitusyonal. Ayon sa kanya, siya ang kauna-unahang senador sa kasaysayan ng Pilipinas na naitalaga bilang senador nang limang beses, isang patunay, aniya, ng tiwala ng mga kapwa mambabatas sa kanyang pamumuno at kakayahan.
Sa loob ng maraming taon sa lehislatura, iginiit ni Sotto na nasaksihan at naranasan niya ang iba’t ibang isyu, mula sa paggawa ng batas hanggang sa pagharap sa mga krisis na may implikasyong konstitusyonal. Bagama’t hindi siya dalubhasa sa teorya ng batas, naniniwala siyang malawak ang kanyang kaalaman at karanasan sa aktuwal na pagpapatakbo ng pamahalaan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento