Sinagot ni Sen. Sherwin “Win” Gatchalian ang puna ni Sen. Loren Legarda na “unconstitutional” umano ang nangyaring reorganization sa Senado.
Diretsahan ang mensahe ni Gatchalian: hindi sapat na sabihing “unconstitutional” ang isang aksyon kung may ibang legal experts naman na nagsasabing valid ito. Sa kanyang panig, hindi ito labanan ng personal na opinyon, kundi labanan ng legal interpretation.
Para kay Gatchalian, nirerespeto niya ang opinyon ni Legarda, pero mas pinaniniwalaan niya ang pananaw ng mga abogado, law school deans, dating Senate Presidents, at Integrated Bar of the Philippines pagdating sa legalidad ng nangyari.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento