Nanawagan ang lider ng Bangon Sambayanan na si Eric Celiz sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng tinatawag niyang “conscience call.” Ayon sa kanya, malinaw ang layunin ng panawagan: hindi kudeta, hindi mutiny, kundi ang pagtalima ng AFP sa mandato ng Konstitusyon na maging tagapagtanggol ng estado at ng mamamayan, lalo na kung ang pamahalaan ay hindi na nagsisilbi sa interes ng publiko.
Nilinaw ni Celiz na ang panawagan ay bukas at lantad, at nakabatay sa batas. Hindi umano ito paghihimagsik, kundi paalala sa sinumpaang tungkulin ng mga nasa uniporme.
Binibigyang-diin ng Bangon Sambayanan na ang AFP ay institusyong dapat nananatiling propesyonal at makabayan. Kapag may krisis ng tiwala at pananagutan, anila, tungkulin ng sandatahang lakas na manindigan sa Konstitusyon, hindi sa personalidad o kapangyarihan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento