Advertisement

Responsive Advertisement

"ITINAYO ITO GAMIT ANG PONDO NG BAYAN. BUKAS ITO PARA SA LAHAT" REP. PERCI CENDAÑA HINIKAYAT ANG PUBLIKO NA BUMISITA SA EJK MUSEUM

Martes, Pebrero 3, 2026

 



Hinikayat ni Rep. Perci Cendaña ang publiko na bumisita sa EJK Museum, isang lugar na itinayo gamit ang pondo ng bayan at bukas sa lahat nang walang bayad. Ayon sa kanya, mahalagang makita at maunawaan ng mga Pilipino ang mga kuwentong nakapaloob sa museo mga kuwentong hindi dapat kalimutan ng kasaysayan.


Ipinunto ni Rep. Cendaña na maraming mahahalagang aral ang matututunan sa EJK Museum, lalo na tungkol sa mga biktima ng tinaguriang war on drugs sa nakaraang administrasyon. Dito raw makikita ang epekto ng mga polisiya sa tunay na buhay ng mga ordinaryong Pilipino mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at mga komunidad na patuloy na naghahanap ng hustisya.


Ayon kay Rep. Cendaña ang pagbisita sa museo, mas nauunawaan kung bakit mahalaga ang karapatang pantao at due process sa isang demokratikong lipunan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento