Advertisement

Responsive Advertisement

"WALANG MALI GUMASTOS, NASA MALING BANSA KA LANG" XIAN GAZA NAGLABAS NG SALOOBIN SA MABABANG SAHOD AT MATAAS NA GASTOS SA PILIPINAS

Lunes, Nobyembre 10, 2025

 



Hindi napigilan ni Xian Gaza, kilalang internet personality at social media influencer, na maglabas ng kanyang tapat na opinyon tungkol sa realidad ng mababang sahod sa Pilipinas sa kabila ng sobrang bigat ng trabaho ng maraming Pilipino araw-araw.


“Wala kang ipon not because magastos ka but because maliit ang sahod sa Pilipinas pero napakataas ng cost of living. Walang mali sa spending habits mo. Nasa maling bansa ka lang.” - Xian Gaza


Ayon kay Xian, isa sa pinakamalaking problema ng bansa ay ang hindi patas na sistema ng sahod kung saan maraming manggagawa ang tumatanggap ng sahod na hindi sapat para sa kanilang mga pangangailangan, lalo na ngayong pataas nang pataas ang cost of living.


Dagdag pa ni Xian, oras na raw para pakinggan ng pamahalaan ang hinaing ng mga ordinaryong manggagawa at pagtuunan ng pansin ang paggawa ng batas para sa makataong pasahod.


Ayon sa ilang ekonomista, totoo ang sinabi ni Xian, hindi tamad ang mga Pilipino. Sa katunayan, ang mga Pinoy ay isa sa pinakamasisipag na lahi sa Asya, ngunit ang sahod ay hindi kayang tugunan ang basic needs gaya ng pagkain, pabahay, at edukasyon.


Marami sa mga manggagawa ang nagpahayag ng suporta kay Xian. Ayon sa kanila, sa wakas ay may kilalang personalidad na nagsasabi ng katotohanan na matagal nang tinatago sa likod ng mga opisyal na ulat ng gobyerno.


Ang mensahe ni Xian Gaza ay hindi lang rant, ito ay repleksyon ng totoong kalagayan ng mga Pilipino ngayon. Sa bawat pagtaas ng bilihin, bayarin, at gastusin, ang sweldo ng karaniwang manggagawa ay tila nananatiling nakapako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento