Iginiit ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na ang mabilis na pagkilos ng mga ahensya ng gobyerno sa mga isyu ng katiwalian ay hindi aksidente o sariling inisyatibo lamang, kundi bunga ng malinaw at matinding direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Lacson, makikita sa mga aksyon ng Office of the Ombudsman, Department of Justice (DOJ), at Malacañang ang agarang tugon sa mga anomalya isang indikasyon ng leadership na may direksyon at political will.
“Lahat ngayon kumikilos because of the pressure of the President. Ibig sabihin, malinaw ang direksyon, malinaw ang utos tapusin ang korapsyon.” -Sen. Ping Lacson
Binigyang-diin ng senador na ang pressure ni Marcos ay hindi negatibo, kundi isang uri ng accountability na nagtutulak sa mga ahensya na gawin ang kanilang tungkulin nang walang takot o kinikilingan. Ani Lacson, ang mga opisyal na dati ay tila tahimik o mabagal sa aksyon, ngayon ay nakikita nang aktibo at transparent dahil sa malinaw na utos mula sa itaas.
Ayon pa kay Lacson, kapansin-pansin ang koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang institusyon, tulad ng DOJ, Ombudsman, DILG, at PNP, lalo na sa mga kasong may kinalaman sa flood control projects at paggamit ng pondo ng bayan.
Para kay Sen. Ping Lacson, ang kasalukuyang galaw ng pamahalaan laban sa katiwalian ay malinaw na bunga ng liderato ni Pangulong Marcos. Sa kanyang pananaw, ang “pressure” mula sa Pangulo ay hindi pananakot kundi inspirasyon, isang paalala sa lahat ng opisyal na walang puwang ang katiwalian sa ilalim ng administrasyong handang managot at maglinis ng hanay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento