Advertisement

Responsive Advertisement

"LILINISIN DIN NATIN ANG PUTIK NG KATIWALIAN SA LOOB NG BIR" PANGULONG MARCOS SUSUNOD NA TARGET ANG KORAPSYON SA BIR MATAPOS ANG FLOOD CONTROL ANOMALY

Huwebes, Nobyembre 27, 2025

 



Matapos umani ng pansin ang flood control anomaly, inihayag ng Palasyo na nakatuon na ngayon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paglilinis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) isa sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno na humahawak ng malaking bahagi ng pondo ng bansa.


Hindi palalampasin ng Pangulo ang mga ulat ng pang-aabuso ng ilang opisyal ng BIR sa paggamit ng Letter of Authority (LOA), na umano’y ginagamit ng ilan para mangikil o mangulimbat ng pera sa mga negosyante.


“Hindi ito basta isyung maliliit lang. Ang ginagamit na otoridad ng BIR ay para sa koleksyon ng buwis hindi para sa personal na kayamanan. Hindi ito pwedeng tulugan ng gobyerno,” -Pangulong Marcos


Sinabi pa ni Castro na gagayahin ng Palasyo ang parehong antas ng imbestigasyon na ginawa sa flood control anomaly upang masiguro ang transparency at accountability sa hanay ng BIR. Binigyang-diin niya na seryoso si Pangulong Marcos sa kanyang pangakong “Bagong Pilipinas”, kung saan kailangang masiguro na ang bawat opisyal ay gumagalaw ayon sa batas at may integridad.


Sa kabila ng hamon, ipinakita ng administrasyon na ang reporma ay tuloy-tuloy mula sa imprastraktura hanggang sa koleksyon ng buwis.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento