Advertisement

Responsive Advertisement

“KUNG TUTUUSIN, SIYA ANG UNANG KUMILOS PARA MAITAMA ANG MALI” REP. TOBY TIANGCO MULING DINEPENSAHAN SI PANGULONG MARCOS SA ₱100 BILLION BUDGET INSERTION

Huwebes, Nobyembre 27, 2025

 



Muling dinepensahan ni Navotas Representative Toby Tiangco si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isyung kinasasangkutan ng ilang opisyal kaugnay ng umano’y ₱100 bilyong budget insertion sa flood control projects.


Ayon kay Tiangco, walang direktang kinalaman ang Pangulo sa anomalya at hindi ito dapat isama sa usapin, dahil malinaw umano na ang mga desisyon at pagkilos ay ginawa ng mga taong nasa mababang antas ng implementasyon ng proyekto.


“Ang Pangulo ay hindi bahagi ng usapang iyon. Mali na isama siya sa mga paratang na walang konkretong ebidensya. Ang trabaho ng Pangulo ay magpatupad ng reporma, hindi magtago ng katiwalian” - Rep. Toby Tiangco


Sa parehong panayam, ipinunto ni Tiangco na dapat ay sina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co ang dapat magpaliwanag dahil sila umano ang mas malapit sa isyu ng flood control allocations at budget movement. Giit niya, mali ang ginagawa ng mga opisyal na ito kung totoo mang ginamit nila ang impluwensiya para sa sariling kapakinabangan.


Dagdag pa ni Tiangco, kabaligtaran pa nga ang Pangulo raw ang unang nanita at nag-utos ng masusing imbestigasyon nang lumabas ang balita tungkol sa anomalya. Ito, aniya, ang patunay na seryoso si Marcos sa paglilinis ng gobyerno at hindi niya pinoprotektahan kahit sino.


Ang pahayag ni Rep. Toby Tiangco ay malinaw na pagtatanggol sa Pangulo laban sa mga alegasyong walang sapat na batayan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento