Advertisement

Responsive Advertisement

“GIVE ME FEW MONTHS, GAGAWIN KO ANG PILIPINAS NA ISA SA PINAKALIGTAS NA BANSA” DILG SEC. REMULLA GAGASTOS NG BILYON-BILYONG PONDO PARA SA KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN

Huwebes, Nobyembre 27, 2025

 



Ipinahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na isa sa pinakamalaking adyenda ng Marcos administration ay ang gawing isa sa pinakaligtas na bansa sa buong mundo ang Pilipinas.


Ayon sa kalihim, ang nasabing proyekto ay bahagi ng pambansang roadmap para sa kapayapaan at kaayusan, na magpapatibay hindi lamang sa seguridad ng mga mamamayan, kundi pati na rin sa imahe ng bansa sa pandaigdigang komunidad.


“Give me a few months, we’re investing heavily to make the country one of the safest in the world” -Sec. Jonvic Remulla


Ayon kay Remulla, nakalaan ang bilyon-bilyong pondo para sa mga programa ng DILG at ng Philippine National Police (PNP) upang mas mapalakas ang crime prevention, intelligence gathering, at modernization ng law enforcement.


Dagdag ni Remulla, ang DILG at PNP ay kasalukuyang bumubuo ng mas mahigpit na koordinasyon sa mga local government units (LGUs) upang matiyak ang mabilis na tugon sa mga krimen at kalamidad.

Ang mga LGU umano ang magiging “unang linya ng depensa” ng pamahalaan para mapanatili ang kaayusan sa mga komunidad.


Ang plano ng DILG sa ilalim ng Marcos administration ay hindi lamang simpleng proyekto, ito ay malawakang hakbang tungo sa bagong yugto ng seguridad at disiplina sa bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento