Ipinahayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson, na siya ring pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee, na hindi pa magtatapos ang imbestigasyon hinggil sa mga anomalya sa flood control projects hangga’t hindi nasisilip ang mga proyekto sa Davao Region, partikular sa Davao Occidental.
Ayon kay Lacson, ang Davao ay kabilang sa mga lugar na iniulat na posibleng mayroong ghost projects o pekeng flood control programs na may kaugnayan sa malawakang korapsyon.
“Hindi pa tapos. Yung mga hindi na-touch like yung sa Davao Occidental, sa Region 8, mga hindi pa napagtuunan ng pansin ‘yun eh. As long as wala pa sa Sandiganbayan, hindi pa covered ng sub judice rule, walang issue. So tuloy ang imbestigasyon” - Sen. Ping Lacson
Ayon sa mga naunang ulat, tinukoy ng ilang mambabatas ang Davao Occidental bilang “epicenter” ng mga ghost flood control projects, kung saan milyon-milyong pondo umano ang inilaan para sa mga proyektong hindi naman naipatayo o natapos. Giit ni Lacson, hindi dapat palampasin ang ganitong mga insidente kahit pa ito ay sa mga rehiyon na itinuturing na “malakas” sa politika.
Nilinaw ni Lacson na walang pulitikal na motibo ang imbestigasyong isinasagawa ng kanyang komite. Ang pahayag ni Sen. Ping Lacson ay nagpapakita ng kanyang paninindigan para sa patas at komprehensibong imbestigasyon sa flood control anomaly.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento