Kinumpirma ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na natanggap na nila ang opisyal na liham ni House Majority Leader Sandro Marcos, kung saan nagpahayag ito ng kahandaan na humarap sa komisyon upang linawin ang mga isyung nag-uugnay sa kanya sa mga alegasyon ng anomalya sa pondo ng pamahalaan.
Ayon sa ICI, boluntaryong nagpahayag si Marcos ng kagustuhang magpaliwanag upang maipakita sa publiko na wala siyang itinatago at handa siyang makipagtulungan sa anumang lehitimong imbestigasyon.
"Walang masama sa imbestigasyon kung wala ka namang ginawang mali, kung gusto natin ng Bagong Pilipinas, dapat magsimula tayo sa katapatan" -Rep. Sandro Marcos
Sa isang pahayag, nilinaw ni Rep. Sandro Marcos na hindi siya kailanman sangkot sa anumang anomalya at buo ang kanyang loob na harapin ang imbestigasyon upang mapanatili ang tiwala ng publiko. Ayon kay Marcos, dapat maging transparent ang lahat ng opisyal ng gobyerno, lalo na sa mga usaping may kinalaman sa pera ng bayan.
Ang desisyon ni Rep. Sandro Marcos na humarap sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay isang malinaw na hakbang tungo sa transparency, integridad, at pananagutan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento