Ipinahayag ng dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang kanyang kahandaang maging running mate o vice presidential candidate ni Senator Risa Hontiveros kung sakaling ito ay tumakbo bilang Pangulo sa darating na 2028 national elections. Ayon kay Trillanes, panahon na upang magkaisa ang hanay ng oposisyon at maglatag ng matatag na alternatibo sa kasalukuyang pamahalaan.
“Kung si Risa ang magiging standard-bearer ng oposisyon, hindi ako magdadalawang-isip. I will stand by her side she has the heart, integrity, and courage this country needs.” - Antonio Trillanes
Binigyang-diin ni Trillanes ang kanyang pagtitiwala sa kakayahan ni Hontiveros na mamuno ng may malasakit, disiplina, at prinsipyo. Ayon sa kanya, matagal na niyang sinusubaybayan ang trabaho ng senadora sa Senado at nakita niya ang katapatan at dedikasyon nito sa serbisyo publiko.
Ayon kay Trillanes, kung sakaling matuloy ang tambalan nila ni Hontiveros, ang pangunahing layunin nila ay ibalik ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.
Giit niya, ang laban ay hindi para sa kapangyarihan kundi para sa pagbangon ng bansa laban sa korapsyon at pang-aabuso.
Sa gitna ng paghahanda ng iba’t ibang grupo para sa 2028 national elections, malinaw na lumilitaw ang posibilidad ng tambalang Hontiveros-Trillanes bilang bagong puwersa ng oposisyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento