Walang paligoy-ligoy na inamin ni Vicente Tito Sotto III na nalulungkot siya may mga sektor ng publiko na hindi natutuwa sa kanyang istilo ng pamumuno bilang Senate President. Para kay Sotto, hindi sukatan ng tama o mali ang dami ng papalakpak ang mahalaga ay kung tama para sa taumbayan ang desisyon.
Sa gitna ng mga kritisismo, iginiit niyang ang kanyang mga hakbang ay nakaugat sa mandato ng Senado at sa tungkuling magbalanse ng kapangyarihan ng mga sangay ng gobyerno.
Giit ni Sotto, hindi lahat ng gusto ng publiko ay madali, at hindi rin lahat ng tama ay agad matatanggap. May mga pagkakataon na ang desisyong makabubuti sa pangmatagalan ay masakit sa pandinig sa simula. Dito raw nasusubok ang lider kung susunod ba sa agos o maninindigan sa prinsipyo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento