Advertisement

Responsive Advertisement

"KAHIT VP KA WALA KANG KARAPATAN BASTUSIN ANG PERA NG TAUMBAYAN" REP. ANTONIO TINIO BINATIKOS ANG PAGLIBAN NI VP SARA SA OVP BUDGET HEARING

Martes, Nobyembre 25, 2025

 



Nagngingitngit ang ACT Teachers party-list Representative Antonio Tinio matapos umanong ipakita ni Vice President Sara Duterte ang kawalan ng paggalang sa pera ng publiko nang muli itong hindi humarap sa pagtalakay ng budget para sa Office of the Vice President (OVP). Giit ng kongresista, nakakabahala na sa kabila ng halos P1 bilyong hinihinging budget, hindi man lang nagpakita si VP Sara upang magpaliwanag.


"Kahit VP ka wala kang karapatan bastusin ang pera ng taumbayan" -Rep Antonio Tinio 


Sa pagdinig ng Kongreso, kapansin-pansin ang kawalan ni Duterte isang kaganapang ikinagalit ng ilang mambabatas na umaasang personal nitong idepensa ang hinihinging pondo ng kanyang opisina. Para kay Tinio, malinaw ang mensahe: hindi raw pinahahalagahan ng Bise Presidente ang institusyon at ang taumbayan na nagbabayad ng buwis.


Dahil dito, iginiit ni Tinio na hindi makatarungang ibigay ang naturang halaga kung walang malinaw na paliwanag kung saan ito gagamitin. Iminungkahi niyang tapyasan ang OVP budget mula P902.8 milyon pababa sa P198.8 milyon lamang halagang aniya’y sapat lang para sa suweldo ng mga empleyado at regular na operasyon.


Sa matinding pahayag ni Rep. Antonio Tinio, muling nailantad ang tensyon sa pagitan ng OVP at ilang miyembro ng Kongreso. Habang patuloy ang debate sa tamang halaga ng budget ng OVP, nananatili ang panawagan ng publiko ang

responsableng paggamit ng pera ng bayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento