Advertisement

Responsive Advertisement

"HINDI ITO SIMPLENG DESISYON, HINDI ITO MINAMADALI” LENI ROBREDO WALA PANG BALAK KALABANIN SI VP SARA SA PAGKA PRESIDENTE SA 2028

Martes, Nobyembre 25, 2025

 




Umugong na naman ang pangalan ni former Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo matapos niyang humingi ng konting panahon upang makapagdesisyon kung tatakbo ba siya bilang Pangulo sa darating na 2028 national elections.


Sa isang panayam, tahasan niyang inamin na marami ang humihikayat sa kanya including volunteers, community leaders, at loyal supporters na muling sumabak sa mas mataas na posisyon. Ngunit ayon kay Robredo, hindi ito basta-bastang desisyon na maaaring gawin overnight.


“Hindi ito maliit na desisyon. Nakasalalay dito hindi lang ang buhay ko, kundi ang direksyon ng buong bansa.” -Mayor Leni.


Dagdag pa niya, kailangan niyang timbangin nang mabuti ang lahat ang kakayahang suportahan ang isang nationwide campaign, ang implikasyon sa kanyang pamilya, at higit sa lahat, kung ito ba ang pinakamainam na hakbang para sa Pilipinas. Marami ang nagsasabi na kung tatakbo si Robredo, tiyak na magiging isa ito sa pinakamalalaking laban sa kasaysayan ng politika, lalo na’t inuugnay siya ng publiko bilang posibleng pinakamalakas na katapat ni Vice President Sara Duterte.


Sa paghingi ni Leni Robredo ng kaunting panahon upang pag-isipan ang 2028 presidential bid, mas lalo pang tumindi ang excitement at curiosity ng publiko. Para sa marami, simbolo si Robredo ng isang alternatibong direksyon isang pamumunong may puso, may malasakit, at may tapang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento